Dating buhay ni manny pacquiao

Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin.

Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.

Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon.

Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.

Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon.

Mga taon ng pagsisikap upang, bigla, bumalik silá kung saan nag-umpisa.

Kasama ng paglaban sa katiwalian at krimen – mga pangakong paulit-ulit niyang binanggit sa kampanya – idiniin ni Duterte sa kanyang talumpati ang pagpapabuti ng serbisyo ng pamahalaan at ang pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan.

Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan; mga kababayan.

Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.

Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong ito.

Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.

Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino.

Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon.

Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.

Tags: , ,